Pages

Tuesday, October 5, 2021

HUWAG NANG MAGPALUSOT

 

Sabi ng mga DDS, naghihirap ngayon ang Pilipinas dahil sa pandemya at hindi dahil kay Duterte. Baka nakalimutan ng mga DDS na nagmahal na ang mga bilihin dahil sa pagpataw ng pamahalaang Duterte ng matatas na buwis sa pamamagitan ng TRAIN LAW, na naging rason bakit tumaas ang presyo ng mga bilihin.
Baka nakalimutan ng mga DDS na pumasok ang maraming angkat na bigas sa Pilipinas na galing sa ibang bansa dahil sa RICE TARRIFICATION LAW at bunsod dito ay nagmura ang mga produktong bigas ng ating mga magsasaka kung kanila itong ibenta sa merkado.
Ang ating mga magbababoy ay hindi malayang nakapagnegosyo sa industriya ng pagbababoy dahil daw may SWINE FLU OUTBREAK sa bansa, samantalang angkat nang angkat naman ang gobyerno ng karne ng baboy sa mga banyaga, dahil dito lalong nagmahal ang karne ng baboy at naapektuhan na rin ang pamumuhay ng ating mga kababayang magbababoy.
Ipinasara ng pamahalaan ang higanteng ABS-CBN sa larangan ng entertainment, media, at telebisyon na nagresulta sa pagkawala ng trabaho ng mga libo-libong trabahante nito. Libo-libo ang nagutom dahil dito, at ang pamahalaan ay nawalan ng milyon-milyon o di kayay bilyong pisong posibleng maging buwis buhat sa ABS-CBN. Sinayang ng pamahalaan ang kita nito sa pamamagitan ng buwis na manggagaling sana sa naturang kompanya.
Ang extra-judicial killings ay isa sa mga sanhi bakit ang mga banyagang mamumuhunan ay ayaw mag invest sa Pilipinas dahil hindi pala mapayapa ang bansa sapagkat maraming patayan ang nagaganap dito, at ito ay naka contribute sa paghina ng ekonomiya ng ating bansa.
Ang pagkamkam ng mga Tsino sa ating karagatan sa West Philippine Sea ay nagpahina sa produksiyon ng ating mga mamalakaya o mangingisda kaya ang konsumo ng ating mga kababayan patungkol sa isda ay bumaba, dahil dito apektado ang income ng ating mga mangingisda at mga negosyante ng isda at ito ay naging pinto bakit tumaas ang presyo ng isda sa merkado.
Ang mga POGOs na galing Tsina ay hindi binubuwisan sa mataas na panahon, samantalang nag ooperasyon ang naturang mga negosyong Intsik dito sa bansang Pilipinas. Kung nabuwisan sana ang mga naturang mga banyagang negosyo na nag ooperasyon dito, bilyon-bilyon pa sana ang naidagdag na pera sa pamamagitan ng mga buwis nito na puwedeng makatulong sa pagpatakbo ng gobyerno ng Pilipinas.
Ang mga negosyanteng Tsino ay malayang pinapapasok sa bansang Pilipinas upang malayang mag negosyo at maki-kompetisyon sa mga negosyanteng Pinoy, at ito ay naka apekto sa kita ng mga kawawang Pilipinong negosyante. Maraming mga kompanyang TSINO ang pumasok sa Pilipinas sa pamamagitan ng mga kaibigan ng pangulo gaya ni Dennis Uy, at ang pangyayaring ito ay labis na naka apekto sa mga kompanyang Pilipino na dapat ay tulungang mamayagpag sa mundo ng negosyo ay naiwan na dahil may mga pinapaborang mga banyagang negosyanteng Tsino.
Maraming nakawan na nangyari sa ilalim ng gobyernong Duterte kagaya ng sa PHILHEALTH at Department of Health, ang ninakaw ng mga opisyal sa ilalim ng mga kagawaran na nasangkot sa pangungurakot ay dapat sanang nagamit sa wastong pamamaraan at nakatulong pa sa wastong pamamalalakad ng pamahalaan. Ang malawakang kurapsyon sa rehimeng Duterte ay isa rin sa mga rason bakit ayaw mamuhunan ng mga foreign investors galing Europa at ibang mga western countries sa Pilipinas na puwede sanang magbigay ng maraming trabaho sa mga mamamayan at buwis na makatulong para sa pagdaloy ng dugo ng pambansang ekonomiya.
Ito ang mga rason bakit mahina ang ekonomiya ng Pilipinas kahit hindi pa dumating ang pandemyang COVID-19, at dapat hindi na magpalusot ang rehimeng Duterte na sumadsad ang ekonomiya ng Pilipinas dahil sa pandemya. Dapat hindi na lolokohin ng pamahalaang Duterte ang madla at dapat tanggapin na ng pamahalaang ito na ang rason bakit sumadsad ang ekonomiya ay ang pangulo at ang pamahalaan nito mismo.